​Ako’y Maghihintay

Nasan na ba siya?

Di ko lubos na maunawaan kung bakit dapat akong maghintay. Hindi ba maaaring dumating na siya? Nawa’y pagtagpuin Mo na ang aming mga landas at nang kami’y magkakilala na. Ako’y nasasabik na siya’y aking makilala at makasama. Ako kasi’y naiinip na. Pakiusap, nais kong ipakilala Mo na siya. Nawawalan na rin ako ng pasensya, gusto ko na tuloy humanap na lang ng iba. Pakiramdam ko kasi, ako’y nahuhuli na. 

Hinay-hinay lang.

Mahirap at nakakainggit dahil ako’y nahuhuli na. Gusto kong manguna’t magmadali dahil ako’y naiinip na. Ngunit ipinapaalala Mo ang nakaraan nung ako’y nasaktan at nabigo. Ayoko nang muling maulit pa ito. Kaya, ako’y nagdesisyong magtiwala sa plano Mong maganda. Ngunit bakit parang kay tagal, ano bang ginagawa Mo’t parang Ika’y laging abala? Di ko maitindihan kung anong plano Mo, pero ang sabi Mo’y maghintay lang ako. Pilit Mong pinapaunawa sakin ang magandang plano Mo. Di ko makita dahil nagiging bulag ako. Naghahanap kasi ako ng pag-ibig na alam kong saki’y bubuo. Sabi Mo’y dapat maging handa muna ako at magtiwala Sayo.

Nagtiwala ako.

Nagtiwala ako Sayo dahil mahal Mo ako. Salamat dahil unti-unti Mong pinagaling ang wasak kong puso. Ipinaunawa mong ayaw Mong muling masaktan ako. Ang dami mong tinuro sa’kin para mas maging mabuti ako. Tinuruan Mo akong hindi umasa sa iba, kundi ang umasa lang Sayo. Ikaw ang nagturo sa’king magmahal ng totoo. At pinaunawa mong Sayo pa lang, kompleto na ako. Ikaw ang umayos ng lahat pati na rin ng magulong buhay ko. Walang makakapantay sa napakagandang plano Mo. 

Tamang panahon.

Maghihintay ako sa tamang panahon na itinakda mo. Hahayaan ko ang pagkilos Mo at maganap ang mga plano Mo. Alam kong pagtatagpuin Mo ang aming mga landas sa tamang panahon na nais Mo. Kaya maghihintay ako na maging handa ako. At nagtitiwala ako na siya’y darating kapag kami’y handa ng pareho. Kaya habang naghihintay ako, ako’y mananatiling magpupuri’t magtitiwala Sayo.

Trust in the Lord with all your heart, and do not lean on your own understanding.  In all your ways acknowledge Him, and He will make straight your paths.

– Proverbs 3:5‭-‬6

Advertisements

5 thoughts on “​Ako’y Maghihintay

  1. Magantay at magitiwala sa Kanya dahil may magandang plano Siya para sa atin. Sabi nga ay maging handa sa magandang ibibigay Niya,

    “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”

    Jeremiah 29:11

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s