Naniniwala ako na wala namang perpektong relasyon. Lahat naman nagbabago, feelings nga nagbabago. At yung relasyon namin, dinaig pa yung mga magkarelasyon na Long Distance Relationship sa sobrang layo namin sa isa’t isa.
Long Distance Relationship.
Pilit kong nilayo ang sarili ko sa Kaniya. Napapagod na kasi akong sundin Siya. Ang gusto kasi Niya gawin ko ‘to, gawin ko yan. Di ako nakikinig kahit alam kong para sa ikakabuti ko ang laging nasa isip Niya. Kaya lang, ang gusto ko.. ako lagi ang masusunod, “LIKE A BOSS” ika nga. Pakiramdam ko tuloy di ako karapat-dapat na mahalin Niya kaya napagod na kong ibigay ang oras at panahon ko sa Kaniya.
Sa mga panahon na lumayo ako, mas pinili kong ibigin ang ibang bagay na alam kong saki’y magpapasaya. Sa isip ko, di naman Niya makikita dahil malayo naman ako sa Kaniya. Dumating tuloy sa punto na gusto ko ng iwan at bitawan na lang Siya.
Kaya lang, mali ako. Di ko pala kaya.. Kasi kailangan ko Siya.
Kailangan kong bumalik.
Di ko dapat Siya nilayuan. Di ko dapat Siya binalewala. Di ko dapat Siya sinuway. Di ko dapat hinayaan na tuluyang manlamig ang pag-ibig ko sa Kaniya. At higit sa lahat, di ko dapat Siya sinaktan. Oo, dumating sa puntong nagsisisi ako at nasabi ko sa sarili ko na “kulang ako kapag wala Siya dahil HINDI KO KAYANG MAG-ISA.”
Kailangan kong bumawi. Kailangan kong lumaban dahil ni minsa’y di Niya ko sinukuan at binitawan. Kaya kailangan kong ibalik ang dating pag-ibig ko sa Kaniya. Ang pag-ibig na tulad ng sa simula nung mahal na mahal ko pa Siya.
Ikaw, kumusta ang relasyon niyo?
‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’ This is the first and greatest commandment.
– Matthew 22:37-38
Ayos naman kami. Getting closer and closer. Clingy nga ako eh 😉
LikeLiked by 1 person
Yun oh. Keep it up! 😊
LikeLiked by 1 person
I’m in love with Him 😄
LikeLiked by 2 people
💕💕💕
LikeLiked by 1 person
Stronger. Better. ❤️
LikeLiked by 2 people
Haha, how did you know? Mukhang malabo pa sa tubig kanal 😂
LikeLiked by 1 person
Because He loves us. At di Siya mapapagod na maghintay at mahalin tayo. 😉
LikeLike
Sis sorry sorry 😧😧 I thought you were referring to a past love. Na misunderstood ko post mo. So my answer is, “My relationship with Him is strong”. Sorry Papa God, I love you.
LikeLiked by 1 person
Hihi. It’s okay. Good to know, and I hope na mas maging intimate pa every single day. 😉
LikeLiked by 1 person
I got lost too but now I am found. Sa lahay talaga ng bagay at mga nangyayari sa atin, sa Kanya lang tayo lalapit.
LikeLiked by 2 people
Yeah, that’s true.
LikeLiked by 1 person
Naalala ko yung Prodigal Song ng Laura Story habang binabasa ko ‘to. ❤
LikeLiked by 2 people
Thanks Ishi for reading and sa pag follow back. 😊
LikeLike
Hi, thanks for the follow.
Yung relasyon namin, parang Atlantis, hindi na nage-exist 🙂
LikeLiked by 1 person
Aw. 😔 He is waiting for you. Balik ka na sa Kaniya. 😉
LikeLiked by 1 person
Welcome back Camille. Sarap Niya magmahal noh? 🙂 Hmm. May mga araw na kinekwestyon ko yung mga pangako niya. Pero hinihingi ko laging bigyan niya ako ng lakas na magtiwala. 🙂
LikeLiked by 3 people
Totoo yan! Minsan di natin talaga Siya maintindihan, yun pala sa huli makikita natin na may itinuturo Siya sa’tin.
LikeLiked by 2 people
True! Kaya kapit lang bes. 🙂
LikeLiked by 1 person
Camille sulat ka pa (excited haha). I just want to motivate you.. *wink
I can relate with doubtful but thoughts 🙂 tama ka may itinuturo ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari. We pray to give us wisdom and understanding to know His ways, and walk on it every single day.
LikeLiked by 2 people
Amen! Thanks po! ☺
LikeLiked by 1 person
Wow. Ang galing mo namang sumulat 🙂
LikeLiked by 1 person
Thanks. All glory to God! ☺
LikeLiked by 1 person