Ako’y Babalik

Naniniwala ako na wala namang perpektong relasyon. Lahat naman nagbabago, feelings nga nagbabago. At yung relasyon namin, dinaig pa yung mga magkarelasyon na Long Distance Relationship sa sobrang layo namin sa isa’t isa.

Long Distance Relationship. 

Pilit kong nilayo ang sarili ko sa Kaniya. Napapagod na kasi akong sundin Siya. Ang gusto kasi Niya gawin ko ‘to, gawin ko yan. Di ako nakikinig kahit alam kong para sa ikakabuti ko ang laging nasa isip Niya. Kaya lang, ang gusto ko.. ako lagi ang masusunod, “LIKE A BOSS” ika nga. Pakiramdam ko tuloy di ako karapat-dapat na mahalin Niya kaya napagod na kong ibigay ang oras at panahon ko sa Kaniya.

Sa mga panahon na lumayo ako, mas pinili kong ibigin ang ibang bagay na alam kong saki’y magpapasaya. Sa isip ko, di naman Niya makikita dahil malayo naman ako sa Kaniya. Dumating tuloy sa punto na gusto ko ng iwan at bitawan na lang Siya.

Kaya lang, mali ako. Di ko pala kaya.. Kasi kailangan ko Siya.

Kailangan kong bumalik.

Di ko dapat Siya nilayuan. Di ko dapat Siya binalewala. Di ko dapat Siya sinuway. Di ko dapat hinayaan na tuluyang manlamig ang pag-ibig ko sa Kaniya. At higit sa lahat, di ko dapat Siya sinaktan. Oo, dumating sa puntong nagsisisi ako at nasabi ko sa sarili ko na “kulang ako kapag wala Siya dahil HINDI KO KAYANG MAG-ISA.”

Kailangan kong bumawi. Kailangan kong lumaban dahil ni minsa’y di Niya ko sinukuan at binitawan. Kaya kailangan kong ibalik ang dating pag-ibig ko sa Kaniya. Ang pag-ibig na tulad ng sa simula nung mahal na mahal ko pa Siya.

Ikaw, kumusta ang relasyon niyo?

‘Love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind.’  This is the first and greatest commandment.

– Matthew 22:37-38

Advertisements

22 thoughts on “Ako’y Babalik

      1. Sis sorry sorry 😧😧 I thought you were referring to a past love. Na misunderstood ko post mo. So my answer is, “My relationship with Him is strong”. Sorry Papa God, I love you.

        Liked by 1 person

  1. Welcome back Camille. Sarap Niya magmahal noh? 🙂 Hmm. May mga araw na kinekwestyon ko yung mga pangako niya. Pero hinihingi ko laging bigyan niya ako ng lakas na magtiwala. 🙂

    Liked by 3 people

  2. Camille sulat ka pa (excited haha). I just want to motivate you.. *wink

    I can relate with doubtful but thoughts 🙂 tama ka may itinuturo ang Diyos sa lahat ng mga nangyayari. We pray to give us wisdom and understanding to know His ways, and walk on it every single day.

    Liked by 2 people

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s