My First Love

Hey! it’s me, Camille. And I want you to know that this is my first time to write. Actually, di ako ga’non kagaling gaya ng ibang writer.

At dahil first time ko ‘to. I just want to share about the one na Siyang nagturo sa’king magmahal, ANG FIRST LOVE KO.

Marahil tulad ko, kayo rin ay naghanap ng pagmamahal. Yung MAGMAMAHAL at MAMAHALIN. Ang sarap ‘no? Yung magmamahal ka tapos mamahalin ka rin. Yung hindi ka lugi!

At pagdating sa pag-ibig talagang interesado tayo sa usaping ito. Tulad ng iba, ako rin ay nagmahal pagkatapos nasaktan. Naniwala sa mga pangakong napako. Napakilig ng matatamis na salita na magaling lang hanggang sa simula. At sinayang ang mga luha dahil sa maling pag-ibig.

Di Siya sumuko.

At nung mga panahon na inaalok Niya yung pag-ibig, naging bulag ako. Nung mga panahon na nag-aantay Siya, dinedma ko. Gusto kong mapag-isa. Ngunit sa huli, di pa rin Siya sumuko. Imbes na sumuko, mas pinaramdam Niya sakin kung ga’no ako kaimportante at kung ga’no Niya ko kamahal. At yung puso kong wasak, unti-unti Niyang inayos at binuo.

Nagmahal, nasaktan, nagbago.

Sa paglipas ng panahon, unti-unti ko Siyang nakikilala. Pinakita Niya sakin kung gaano kaganda ang buhay. Tinuro Niya kung paanong magmahal muli at magpatawad. At sa panahon na nakikilala ko Siya, dun ko nakita yung TUNAY NA PAG-IBIG na sa Kaniya ko pala matatagpuan.

Wala Siyang katulad.

Yung mga pangako Niyang di mapapako. 

Yung mananatili sa tabi mo anuman ang mangyari.

Yung hindi mapapagod na mahalin ka.

Yung iingatan ka at gagawin kang prinsesa.

Yung mga salita Niyang di lang nakakakilig pero nagbibigay pa ng buhay! 

Yung nagbibigay ng lakas sayo sa tuwing nanghihina ka.

Yung hindi ka iiwan kahit sumusuko ka na.

Yung Siyang magpupuno ng kulang sayo.

Yung kayang ibigay sayo ang lahat ng pangangailangan mo.

Yung kayang magbigay sayo ng maganda at maayos na buhay.

Yung kayang makinig sa lahat ng kadramahan mo.

Yung handang umunawa sayo.

Yung kaya ka Niyang patawarin sa lahat ng mga kasalanan mo.

Yung kaya Niyang itama ang mga pagkakamali mo.

Yung kaya kang tanggapin ng buong buo kahit di ka perpekto. 

At yung pag-ibig Niyang walang makakapantay dahil maski buhay ng anak Niya, tinaya Niya maligtas ka lang sa kapahamakan. 

And this time, masasabi kong.. He is my greatest Lover. At walang ibang magmamahal sa’kin ng todo kundi si Lord, ang HARI NG BUHAY KO.

Advertisements

21 thoughts on “My First Love

  1. Hi Camille!! Thank you for the follow!! I really appreciate the way you write in Tagalog. And also how much you love your First Love. 💓 By the way, here’s a secret. He is my First Love, too 😍❤️ God bless your heart!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s